Showbiz News

Inah de Belen, ikinuwento kung paano nagsimula ang love story nila ni Jake Vargas

By Gia Allana Soriano

 

Game na game na nag-kuwento si Inah de Belen tungkol sa love life niya sa Road Trip episode nila nina Klea Pineda at Glaiza de Castro. Aniya, "Masaya naman, masaya."

 

Nagbigay din siya ng detalye tungkol sa love story niya with Jake Vargas at kung paano sila nagsimula.

Ika niya, "'Yung first show namin, yung Oh, My Mama, parang nagkakatuksuhan na kasi.

Nung nagkaka-text kami, he told me na 'Hi, Inah! Save my number,' ganyan. So, kinilig ako.

Sabi ko, 'Okay, Jake, I saved your number na.' Akala ko after that, wala na, tapos after five minutes, nag-text na naman siya. Sabi ko, 'Oh my gosh.' Ang reply niya sa akin is 'Kumain ka na ba?' 'Yun na 'yun. After that, parang every day na nag-te-text kami."

Panoorin ang kuwento ni Inah dito: