Showbiz News

WATCH: Bae-by Baste, inilarawan ang kanyang cute na role sa MMFF film na 'Meant To Beh'

By Marah Ruiz

Unang pelikula ng pinakabatang Eat Bulaga Dabarkads na si Bae-by Baste ang Metro Manila Film Festival 2017 entry na Meant To Beh.

Makakasama niya rito sina Vic Sotto, Dawn Zulueta, Andrea Torres, Ruru Madrid, Gabbi Garcia at marami pang iba.

Inilarawan naman ni Baste ang kanyang role sa pelikula.

"Sa movie, ang pangalan ko [ay] si Riley. Umiiyak din ako, nakakatawa. Tapos makulit ako," pahayag niya. 

May wish din daw siya para sa Pasko.

"Ang wish ko lang para sa Christmas, maraming manood sa Meant To Beh," aniya. 

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.