Showbiz News

WATCH: Vic Sotto, hatid ang family-oriented MMFF film na 'Meant To Beh' ngayong Pasko

By Bea Rodriguez

Showing na ngayong Kapaskuhan (December 25) ang family-comedy film na Meant To Beh na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Pinangungunahan ito nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta kasama ang ating Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Andrea Torres at Baeby Baste.

Rated G ang pelikula kaya perfect ito sa buong pamilya, “Salamat sa MTRCB. Pwedeng panoorin [ng] all ages. Alam naman natin kapag Pasko, it’s family time. Puwede n’yong pagbondingan, puwede n’yong pagtawanan [at] kapulutan ng mga magagandang values for the family.”

Dahil sa mga pelikula ni Bossing, tinatawag na rin siyang “King of Family-oriented Movies.” Hirit ng Eat Bulaga Dabarkad, “For me, family is very important.”

Magiging makabuluhan daw ang kanyang Pasko ngayong taon dahil sa kanilang Baby Talitha ni Pauleen Luna.

Video from GMA News