Showbiz News

LOOK: Aiai Delas Alas attends Misa de Gallo while on honeymoon in Japan

By Aedrianne Acar

Kasalukuyang nasa Japan ang Comedy Queen Aiai Delas Alas at kaniyang husband na si Gerald Sibayan para sa kanilang honeymoon.

Must-see photos of the star-studded wedding of Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan

Matatandaan na nitong Martes (December 12), ginanap ang kanilang star-studded wedding sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City.

WATCH: Aiai Delas Alas, natupad ang wish na makahiga sa snow

Bagama’t nasa bakasyon, hindi pa rin nakalimutan ng award-winning comedienne ang kaniyang obligasyon bilang katoliko.

Sa katunayan, umattend si Aiai at Gerald ng Misa de Gallo habang nasa Japan at wish niya na sana mabuo nilang mag-asawa ang siyam na araw na novena mass.

“First day of simbang gabi with my husband in japan ..( meguro catholic church) sana mabuo namin ang novena... lets do this darl... @gerald_sibayan”