Showbiz News

WATCH: Migo Adecer, magiging independent after ng 18th birthday?

By Maine Aquino

Ngayong 18 years old na ang StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer, inamin niya na magkakaroon na ng pagbabago sa kanyang buhay.

Ayon kay Migo, 18 years old ang usual na edad na nagmu-move out mula sa bahay ng parents. Ngunit para sa Kapuso actor, hindi pa ito ang tamang oras para gawin ito dahil nais niya pang matuto. 

"Ito 'yung age na usually magmu-move out ka sa home mo. Pwede kang maging independent person. Since I just turned 18, I wouldn't say independent ako just yet. There's a lot of things I need to learn in life."

Sa ulat ni Lhar Santiago ay ibinahagi rin ni Migo na ito ang tamang edad para gampanan niya ang isang mature na karakter para sa kanyang nalalapit na show na The One That Got Away. Dito makakapareho ni Migo ang Kapuso actress na si Lovi Poe.

"'Yung storyline niya, I do have a crush on her but 'yung tingin niya para sa akin little brother lang. So I guess depende lang sa akin how I'm going to be able to push."

Panoorin ang buong interview dito:

 

https://youtu.be/R3xiFS9ulBE