Showbiz News

Sinon Loresca, bakit kinilig kay Dingdong Dantes?

By Rowena Alcaraz

Baguhan pa ring maituturing si dabarkad Sinon Loresca sa industriya ng showbiz kung pagbabasehan ang dami ng taon simula nang lumabas siya sa telebisyon at nakilala ng TV viewers.

LOOK: Meet the King of Catwalk, Sinon 'Rogelia' Loresca

Kaya naman parang dream come true para sa kanya ang makita at maka-selfie pa rin ang isang sikat na artista gaya na lang ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Pero hindi napigilan ng Impostora star na kiligin nang sabihin sa kanya ng aktor na napanood siya nito sa Magpakailanman.

Ayon kay Sinon: "Nice meeting you sir Dingdong Dantes. You're so approachable and humble! Always a fan here. Tapos nabigla ako ng sinabi nyo po na pinanood nyo ang MAGPAKAILANMAN Story ko! Kinilig ako sobra.. Salamat po."

 

Dreams do come true, Sinon.