Showbiz News

MUST-WATCH: Highlight of That's Entertainment Christmas Reunion 2017

By Rowena Alcaraz

Kamakailan ay nagkaroon ng Christmas get together ang mga dating miyembro ng GMA youth-oriented show na 'That's Entertainment.' 

IN PHOTOS: 'That's Entertainment' Christmas Reunion 2017

Ang programang 'That's Entertainment' ay brain child ng nag-iisa at tinaguriang "Master Showman" ng Philippine Showbiz, walang iba kundi ang yumaong German "Kuya Germs" Moreno. Namayagpag ang show noong dekada '80 hanggang '90 at nagbunga ito ng ilan sa mga maniningning na pangalan ngayon sa industriya tulad nina Jean Garcia, Ruffa Gutierrez, Glydel Mercado, Karla Estrada, Piolo Pascual, Ian Veneracion, Tina Paner, Manilyn Reynes, at marami pang iba.

Si Chuckie Dreyfus na dati ring miyembro ng That's Entertainment under Tuesday Group at isa nang social media influencer at vlogger ay nagbahagi sa kanyang YouTube channel ng mga naganap sa nakaraang reuninon.

Sa kanyang 25-minuter video, nagkuwento si Jennifer Sevilla kung paano finally ay natupad ang pagkikita-kita. 

Kasama din sa highlights ng video ang pagbibigay-pugay ng mga dating miyembro sa kanilang mentor na si German Moreno sa pamamagitan ng dasal na pinangunahan ni Piolo Pascual. Lingid sa marami, sa That's Entertainment din nagsimulang ang sikat na aktor.

Dumating din ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno na labis din ang kasiyahan na ma-witness ang nasabing pagtitipon. Aniya, "It's really nice seeing all of you here. Alam niyo, pag pasok ko pa lang kanina naiiyak na 'ko. I'm sure my father would've been very, very happy seeing all of you. This is a very good turn out. Napakaraming tao, I wasn't expecting this. Harlene, thank you very much."

Si Harlene Bautista ay ang asawa ni Romnick Sarmienta at siyang mga nagmamay-ari ng Salu restaurant kung saan ginanap ang nasabing reunion.

Panoorin ang kabuuan ng video dito:

Video from Chuckie Dreyfus' Youtube Channel