Showbiz News

Celebs laud Jessa Zaragoza for winning back-to-back titles in the Aliw Awards

By Aedrianne Acar

Itinuturing ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento star na si Jessa Zaragoza na pinakabonggang regalo ngayong kapaskuhan ang natanggap niyang parangal sa 2017 Aliw Awards.

LOOK: 10 must-see beach photos of Jessa Zaragoza

Nasungkit ng Kapuso diva ang award for Best Female Concert Performer of the Year na napanalunan din niya noong 2016.

Inalay ni Jessa ang tagumpay na ito para sa kaniyang mga mahal sa buhay at mga loyal supporters.

Ayon sa kaniyang Instagram post, “What an awesome Christmas Gift?! Thank you JESUS!!! Grabe si LORD! #AliwAwards2017 Marami pong salamat sa karangalang ito. Pangalawang taon ko na po ito sa inyo. This is for my family, dear friends, and for my fans!!! Mabuhay ang OPM! Cheers!!!”

 

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kaibigan ni Jessa Zaragoza sa showbiz dahil sa natanggap niyang pagkilala.

 

 

Congratulations and more power, Kapuso Jessa!