Showbiz News

Aiai Delas Alas, iniisip pa rin ang charity work kahit nasa honeymoon

By Aedrianne Acar

Sobrang na-enjoy ng Comedy Queen of the Philippines na si Aiai Delas Alas ang three days na mini-honeymoon nila ng kaniyang mister na si Gerald Sibayan.

LOOK: Must-see photos of the star-studded wedding of Aiai Delas Alas  and Gerald Sibayan

Matapos ang grand wedding nila ay sandali silang nag-relax sa Japan para matupad ang pangarap ng Kapuso comedienne na makakita ng snow.

Kuwento ni Aiai sa 24 Oras, “Nasa bucket list ko 'yun na 'pag gustong-gusto ko ‘yung makakita ng yelo. Dati nakakita na ako sa Canada kaya lang sa kapitbahay lang, tapos ang konti-konti lang.”

Agad bumalik si Aiai sa Pilipinas para sa promotion ng kaniyang primetime series na Sherlock Jr. kung saan makakasama niya sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Janine Gutierrez at Andre Paras.

At kahit busy sa kaniyang showbiz commitments at holiday preparation ay hands-on pa rin ang award-winning comedienne para sa gagawin niyang charity work sa December 25.

Aniya, “'Yung yearly charity work ko sa missionaries of charity doon naman ako every time nagpa-Pasko tuwing morning, then ‘yung family na after lunch.”

Video courtesy of GMA News