Showbiz News

READ: Former child star's open letter to family and friends

By Rowena Alcaraz

"Please call me Ice," 'yan ang malinaw na mensahe ng dating child star at ngayon ay National Youth Commission chairperson na si Ice Seguerra sa kanyang Instagram post kamakailan.

Si Ice ay walang iba kundi ang sumikat na child actress noong '80s na si Aiza Seguerra. Nakilala si Aiza matapos sumali sa sa Little  Miss Philippines ng programang Eat Bulaga. Taong 2007 nang mabalita na isa siyang lesbian pero noong taong 2014, he came out as a transgender man. 

Ayon kay Ice, marahil ay kailangan niya daw mag-out quarterly sa IG. Basahin ang kanyang open letter para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

"Dear Family and Friends,

I am a TRANSGENDER MAN. Ibig sabihin, pinanganak man akong may vagina, I identify myself as a man. Gets? TRANSMAN po yun. May ilang taon na rin ang nakakalipas when I first came out. Yes, I came out as transman 3 times already. May iba siguro sa inyo ang hindi pa nakakaalam but mas maraming alam na 'to. 

This is just a reminder. PLEASE REFRAIN from calling me ATE, TITA, SIS, NINANG (mga inaanak, subukan niyong tawagin akong ninang, I swear wala kayong regalo sa pasko), SENYORA, MA'AM, at ang favorite ko sa lahat MADAME. Huwag din po gamitin ang she, her, at kung ano pa.

This is how I see myself and I would appreciate if people around me, especially family and friends, will respect that. If you do not understand kung ano ang transman, PM me and I will gladly explain. 
Also, please CALL ME ICE. 
Yes. ICE. 

Yun lang po. Maraming salamat!"


Samantala, saludo naman ang mga netizens sa naging pahayag ng singer/actor.