Showbiz News

Lolit Solis, masaya para kina Bong Revilla at Mark Anthony Fernandez

By Gia Allana Soriano

Masaya si Lolit Solis ngayong makakasama na ni Bong Revilla at Mark Anthony Fernandez ang kani-kanilang mga pamilya ngayong Pasko. Nakalaya na sa kulungan si Mark Anthony this December lang, samantalang pinayagan naman si Bong na bisitahin ang kanyang pamilya noong Christmas Eve.

 

Kuwento ni Lolit Solis, "Sobra naman saya ko Salve na sila Bong Revilla at Mark Anthony Fernandez ay pareho magpa-Pasko sa piling ng kanilang mga pamilya. Ang saya ng feeling na alam mo surrounded ka ng mga taong nagmamahal sa iyo."

Pinaliwanag din niya ang mga maaaring maging epekto ng pagkakakulong ng dalawa. Aniya, "Dalawang bagay ang nagagawa ng pagka kulong, either it changed you or break your spirit, sana pagbabago ang nadala nito kay Bong at Mark. Sana ang perspective nila sa buhay naging mas malawak mas maging lalo silang mapagmahal, forgiving at higit sa lahat matatag."

Dagdag pa niya, "Mas nakita sana nila sa ibang viewpoint ang mga naganap sa buhay nila, hindi sana ito nag iwan ng bitterness, hindi sana pinatigas nito ang mga puso nila, sana nga mas mapuno pa ng pagmamahal. Dahil now mas nadama nila ang sincere na pagmamahal sa kanila ng pamilya at kaibigan. Ang ganda ng gift ni Jesus kay Bong at Mark, isa itong patunay na manalig ka at maayos ang lahat, maging matatag ka at makikita mo na ibibigay ang hinihingi mo. God is good, Merry Christmas, Bong and Mark, a real Merry Christmas."