Showbiz News

WATCH: Alden Richards at Keanu Reeves, pasok sa celebrity crushes ni Kris Aquino

By Marah Ruiz

Ayon sa nag-viral noon na high school yearbook photo at write up ni Queen of All Media Kris Aquino, inilarawan siya ng kanyang mga kaklase na "has a new crush every week."

Hindi ito pinabulaan ni Kris, pero ngayon daw ay loyal na siya. 

Sa pamamagitan ng Merienda with Kris web series na inilalabas niya sa kanyang official YouTube account, ibinahagi ni Kris ang ilan sa kanyang mga celebrity crushes. 

"Hindi nagbago talaga na ang tagal tagal na. Even nung nag-out na siya, Wentworth Miller pa rin ako,"  aniya.

"The other forever crush is Keanu Reeves," dagdag pa niya dahil lahat daw ng mga pelikula nito ay gusto niya.

"Hindi ako nagsasawa sa kanya. Feeling ko perfect ang features niya," paglalarawan ni Kris sa international actor. 

Mayroon din daw silang local celebrity crush.

"Kung bata lang ako talaga, si Alden [Richards]. I love Alden. I'm really a fan. Talagang tuwang tuwa ako sa kanya, you know. Kasi ang bango bango niya tignan 'di ba?" pahayag niya.

Sa katunayan, apat na beses pa nga daw niyang pinanood ang Martial Law special na pinagbidahan ni Alden na 'Alaala.' Bukod dito, dalawang beses pa niyang pinanood ang TV movie na 'Love Is...' ni Alden at Maine Mendoza. 

Panoorin ang kuwento ng first meeting nina Alden at Kris: