Showbiz News

WATCH: Nar Cabico, nagpasalamat sa MMFF nomination para sa kanyang kantang, 'Natapos Tayo'

By Bea Rodriguez

“What a great year-ender,” ang sabi ni Kapuso hugotero Nar Cabico na siyang kumanta ng original soundtrack ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Screenplay and 3rd Best Picture All of You na pinagbibidahan ng kanyang best friend na si Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Nominated bilang Best Original Theme Song ang kantang “Natapos Tayo” ni Nar sa MMFF Gabi ng Parangal 2017. Nagpapasalamat siya sa malakas na reception ng kanyang kantang puno ng #hugot.

Ani ng Kapuso star sa Balitanghali, “Naririnig ko ‘yung entire song sa sinehan, and hindi ako makapaniwala. People have been messaging, tweeting, may mga nasa inbox ko, and when I got out of the cinema, they were singing the song.”