Showbiz News

WATCH: Bakit naging tradisyon ni Alden Richards ang pag-perform sa Kapuso New Year Countdown?

By Felix Ilaya

Naging tradisyon na ni Alden Richards ang pagsalubong ng bagong taon kasama ang ibang stars at mga fans sa Kapuso New Year Countdown. Sa kaniyang interview with Nelson Canlas, inamin ng Pambansang Bae ang kaniyang rason kung bakit lagi siyang parte ng countdown celebration ng GMA.

 

Aniya, "Itong New Year Countdown, parang thanksgiving ko na rin sa GMA kasi dito ako unang-unang-unang lumabas. My very first GMA exposure was [through the] GMA New Year Countdown."

Maliban kay Alden, mapapanood rin ang iba pang Kapuso stars gaya nina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Rocco Nacino, Kris Bernal, Mark Herras, Jak Roberto, at ang Kapuso boyband na One Up. Lahat sila ay excited na sumalubong sa bagong taon na nagtatrabaho dahil naniniwala sila sa pangitain na kapag sinimulan mo ang bagong taon na busy sa trabaho, buong taon kang magiging busy sa trabaho.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras below:

Video courtesy of GMA News