Showbiz News

Ano'ng wish ni Maine Mendoza ang natupad para kay Sheena Halili?

By Aedrianne Acar

Walang pagsidlan ng tuwa ang StarStruck alumna na si Sheena Halili na finally nahanap na rin niya ang kaniyang tamang panahon.

#TamangPanahon: Meet Sheena Halili's boyfriend, Atty. Jeron Manzanero

Matatandaan na noong huling bahagi ng 2017 ay pormal nang ipinakilala sa publiko ni Sheena ang kaniyang non-showbiz boyfriend na si Atty. Jeron Manzanero.

Kaya naman sa kaniyang New Year’s Eve post sa Instagram, ipinahayag niya kung gaano siya kasaya na dumating sa buhay niya si Jeron.


Ilan sa mga celebrities na nag-react sa sweet post ng Kapuso actress ang kaniyang kaibigan na si Maine Mendoza.

Ayon sa palitan nila ng mensahe, sinabi ni Sheena na ang pagkakaroon ng love life ang wish ng Dubsmash Queen para sa kaniya.

Nabuo ang pagkakaibigan nina Sheena at Maine sa Kapuso Primetime series na Destined To Be Yours.