Showbiz News

WATCH: Alden Richards, nakipag-bonding sa kanyang fans sa isang theme park

By Marah Ruiz

Tuloy tuloy ang birthday celebration ng Pambansang Bae na si Alden Richards!

Bilang isang birthday treat, nakipag-bonding siya sa kanyang mga fans sa Enchanted Kingdom noong nakaraang Sabado.

Nagtanghal siya ng isang mini concert kasama ang mga Kapuso boy group na One Up at TOP. Nag-perform din ang kanyang mga kaibigan at kapwa Kapuso stars na sina Kristoffer Martin, Rodjun Cruz at Bea Binene.

"I don't know why. Maybe it's God's blessing. Pero sobrang saya ko," pahayag niya. 

Panoorin ang ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: