Showbiz News

WATCH: Joyce Pring, umaming umiiyak pa rin tuwing nakakatrabaho si Sam YG

By Maine Aquino

"Nandun pa rin po sa kanya."

Ito ang biro ni Joyce Pring kay Rhea Santos nang kumustahin ng Tunay Na Buhay host ang kanyang puso simula ng hiwalayan nila ng DJ/host na si Sam YG. 

Ibinahagi ng bagong Kapuso star na kahit na hindi na sila magkarelasyon ni Sam, kinakailangan niya pa rin itong makasama dahil sa trabaho. Ani Joyce, para magawa ito ay nagfo-focus lamang siya sa kanilang proyekto. "Kailangan ko lang pong tandaan na mahal ko 'yung work ko at mahal ko siya as a friend," paliwanag niya.

Pagpapatuloy pa niya, may panahong umiiyak siya tuwing may hosting gig sila ni Sam. Saad ni Joyce, "Iniiyak ko po siya usually the night before or after the hosting...Hindi na kami pero magtatrabaho pa rin kami together. Iniiyak ko siya."

Sa apat na taon nilang relasyon ay maraming natutunan si Joyce kay Sam. Aniya, "Kaya ko pa lang magmahal nang tunay. First relationship ko siya kasi eh. First na nagka-boyfriend talaga ako, first time ko mag-out of town, first time ko mag-out of the country, first time ko everything. So it was really more of like a metamorphosis for me as a person also na parang ah okay kaya ko pala 'yung magmahal rin ng ibang tao."

Inamin rin ni Joyce na hindi siya magsasalita nang tapos kung may posibilidad na magkabalikan sila ni Sam.

"I'm not sure. Not closing any doors. I would always say that na hindi naman po ako magsasara ng any doors," ani Joyce.