Showbiz News

WATCH: Netizens naaliw sa pagiging agresibo ni Megan Young sa pagsalo ng bridal bouquet

By Aedrianne Acar

Isang video sa wedding reception nina Maxene Magalona at Robby Mananquil sa Boracay ang pumukaw sa atensyon ng netizens.

LOOK: The grand Boracay wedding of Maxene Magalona & Robby Mananquil

Pinag-uusapan ngayon ang nakakaaliw na video ng former Miss World 2013 Megan Young na sobrang determinado na makuha ang bridal bouquet.

Ang video na ito ni Megan ay certified viral na at may halos 322,000 views na as of writing.

 

Heto ang ilang sa reaksyon ng mga Instagram followers niya.

 

Hindi rin naiwasan tuksuhin ng netizens si Megan at ang boyfriend niyang si Mikael Daez na baka sila na ang susunod na ikakasal.