Showbiz News

READ: Lolit Solis, alam ang sign kung buntis si Marian Rivera

By Cherry Sun

Ibinahagi ni Lolit Solis kung paano matutukoy kung nagdadalang-tao si Marian Rivera.

Kuwento ni Lolit sa kanyang Instagram account, “’Di ba nakita natin siya sa salon Bambbi Fuentes, medyo naputol buhok niya eh type na type niya pala magpa-ikli.”

“Kaya sabi niya the moment nakita natin maiksi buhok niya, sign na iyon na magkakaroon ng kapatid si Zia, haha. Bantayan lang pala buhok [ni] Marian at alam mo na kung masusundan na si Zia,” patuloy nito.

Ani rin ni Lolit, dapat nang masundan si Baby Zia dahil maganda raw ang lahi nina Marian at Dingdong Dantes. Mahusay rin daw ang dalawa sa pagiging hands-on parents sa kanilang anak.

“Hay, sige na Marian, give mo na another baby si Dingdong. Cute ninyo tingnan talaga,” dagdag niya.