Showbiz News

Ina Raymundo, labis na nag-alala sa kanyang Yaya Josie

By Catherine Doña

Isa si Ina Raymundo sa mga celebrities na talaga namang thankful sa pag-aalaga ng kanilang mga yaya at personal assistants. 

LOOK: Celebrities & their beloved yayas and PAs

Kamakailan lang ay nag-celebrate ang kanyang yaya na si Josie ng kanyang birthday. Ibinahagi ni Ina ang munting sorpresa na inihanda ng kanyang pamilya para kay Yaya Josie sa Instagram kung saan ikinuwento rin nito ang "close call" na pinagdaan ng kanyang yaya.

Ani Ina, “Last Sunday, as soon as our plane landed in Manila from Vancouver, she got very sick. I would like to thank the PAL terminal 2 staff attending to her especially Dra. De Padua. For giving her oxygen which she badly needed at that time. Their ambulance took us to St. Luke’s Global, where she was later diagnosed with Pulmonary Embolism due to Deep Vein Thrombosis."

Pagpapatuloy niya, "I thank God that she made it! Thank you, Lord. Thanks to the nurses and staff of St. Luke’s Global for taking really good care of our Yaya."

Si Yaya Josie ang nag-alaga kay Ina noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Siya rin ang nag-aalaga sa kanyang limang anak sa asawang si Brian Poturnak.

LOOK: Ina Raymundo, hot momma of five

Sa huli, hindi pinalampas ni Ina ang pagkakataong ipahayag kung gaano niya kamahal si Yaya Josie. Nagbigay rin ito ng update sa kanyang kalusugan.

"Our Yaya needs to rest and take meds for 6 months. I’ll make sure that she’ll be 100% healthy again! My kids and I love her so much!," pagtatapos niya.