Showbiz News

Chito Miranda at Neri Naig, may diskusyon sa Instagram

By Bianca Geli

May bagong business ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig-Miranda, at dahil rito, naghahanap ang dalawa ng mga staff para sa gagawin nilang negosyo. Nag-post si Neri sa kanyang Instagram tungkol dito.

 

May mga nag-react naman na netizens tungkol sa qualifications na hinahanap ni Neri, lalo na sa parteng nangangailangan “pleasing personality.”

May mga netizens na tila nainsulto at inakalang ang itsura ng aplikante ang tinitignan nila Neri.

 

 

Agad naman iklinaro ni Neri na maayos na pakikitungo sa mga customer ang ibig niyang sabihin.

 

 

Ngunit tuloy pa rin ang reaction ng ibang netizens.

 

 

May mga sariling negosyo ang mag-asawang Chito at Neri Miranda,  tulad ng Neri’s Bakeshop sa Tagaytay City, kaya naman abala sila sa pagpapalago ng business at paghahanap ng mabubuting staff.