Showbiz News

LOOK: 'Encantadia' cast reunites for Glaiza de Castro's birthday

By Bianca Geli

Nagsama-sama muli ang Team 'Encantadia 2016' para sa kaarawan ni Glaiza de Castro. Nag-post ang birthday girl at ang Encantadia director na si Mark Reyes sa kanilang mga Instagram ng mga litrato mula sa naganap na mini reunion at birthday celebration.

 

Masayang-masaya si Glaiza na buo pa rin ang samahan ng kanyang Encantadia family.

“Hindi ko alam kung paano nabuo 'yung samahan, kung paano tayo pinagtagpo-tagpo pero ang masasabi ko lang, nagpapasalamat ako na hanggang ngayon, kasama ko pa rin kayo. Salamat na hindi ko lang kayo maaasahan sa trabaho kung 'di pati sa totoong buhay,” saad ni Glaiza.

Ang Encantadia director naman na si Mark Reyes ay natuwa rin na makasama ang Kapuso telefantasya cast na itinuring niya na ring parang mga anak.

 

Kasama sa mga dumalo sa selebrasyon ay sina Phytos Ramirez, Inah de Belen, Arra San Agustin, Ruru Madrid, Pancho Magno, Angelica Panganiban, Quark Henares, Ketchup Eusebio, Gabby Eigenmann at JM de Guzman.