Showbiz News

Claudine Barretto, ibinahagi ang dahilan ng pagkonsulta sa psychiatrist

By Maine Aquino

"I was proud of myself for wanting to prioritize my mental health. I really needed guidance, I needed help. Iba 'yung pinalabas ng ibang tao eh. When people say baliw 'yan, mentally ill 'yan, ganyan, they don't know the mental torture na pinagdaanan ko."

Ito ang ibinahagi ni Claudine Barretto sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho kamakailan kung saan eksklusibo nitong inilahad ang kanyang kuwento kung bakit niya kinailangang mapatingin sa isang psychiatrist.

 

Ayon kay Claudine, siya ay na-diagnose ng panic disorder taong 2002. Ito ay nagsimula noong pumanaw ang kanyang ex-boyfriend na si Rico Yan.

Kuwento ni Claudine, "Ang natatandaan ko lang, Ms. Jessica. 'yung time na nagti-taping kami nag-cold sweat ako when we were reading sabi ni Direk Wenn (Deramas) parang iba na."

Ibinahagi rin ni Claudine ang ilang symptoms ng kanyang panic disorder kaya siya nagdesisyon na magpatingin sa doktor. Aniya, "I just felt like mamamatay ako. Hindi ako makahinga. Parang I was sinking, I was drowning."

Ipinahayag naman ng aktres na hindi pa siya tapos magluksa sa pagpanaw ni Rico. "I wasn't able to say goodbye o alagaan siya bago siya nawala."

Patuloy na nagpapatingin sa kanyang doktor ang aktres at nagpapasalamat ito na sa kanyang pagsasapubliko ng kanyang kondisyon ay may mga taong nagparamdam ng suporta sa kanyang sitwasyon.

"I'm just so happy and talagang thankful kasi grabe 'yung mga tao, the comments. 'Yung mga tao ngayon very open, there's so much compassion towards other people who are going through any kind of mental illness."

Panoorin ang kabuuang kuwento ni Claudine: