Showbiz News

Humanda sa pagyanig ng 'San Andreas' sa Kapuso Movie Festival

Isang piloto para sa Los Angeles Fire Department Air Rescue si Ray Gaines (Dwayne "The Rock" Johnson).

 

 

Nagpaplano na siya ng isang trip papuntang San Francisco kasama ang kanyang anak na si Blake (Alexandra Daddario) bilang bonding habang nasa gitna sila ng divorce proceedings ng kanyang asawang si Emma (Carla Gugino).

Pero dahil sa isang earthquake-related na aksidente sa Hoover Dam, kailangan niyang mag-report kaagad sa kanyang trabaho. 

Tutuloy naman patungong San Francisco si Blake, pero kasama niya si Daniel (Ioan Gruffudd), ang bagong boyfriend ng kanyang ina.

 

 

Isang malaking earthquake ang tatama sa bansa dahil sa seismic activity sa San Andreas fault. 

Kailangang magsama nina Ray at Emma para hanapin si Blake sa San Francisco na isa sa mga malubhang naapektuhan ng lindol.

May pag-asa pa bang magkasama-sama ang kanilang pamilya?

 

 

Panoorin ang Philippine free TV premiere ng San Andreas sa January 29, pagkatapos ng Chibi Maruko Chan sa Kapuso Movie Festival.