Showbiz News

Julie Anne San Jose explains the meaning of #Julie

By Maine Aquino

Ikinuwento ng Asia's Pop Sweetheart ang meaning ng #Julie na kanyang naging concert title ngayong 2018. 

Ayon kay Julie Anne San Jose, "'Di ba 'yung hashtag para mas mabilis mahanap 'yung nagti-trend. For the past years of my life I only have nothing left to say but thank you again and I love you all for always allowing me to trend sa inyong mga puso."

Dahil sa suportang kanyang natatanggap sa kanyang loyal fans, nagpasalamat si Julie dahil muli silang nagkasama sa kanyang concert. Ayon kay Julie ay palagi niyang nababasa ang mga mensahe nila na laging inaantabayanan ang kanyang musika kaya naman ito ang kanyang ibinigay sa #Julie. "Lagi ninyong sinasabi sa akin at lagi ko ring nababasa na hinahanap hanap niyo rin ako at ang aking musika." 

 

Bukod dito ay inilahad rin ni Julie Anne bago ang kanyang performance na ang kanyang naging tema ay different kinds of love. Kuwento niya, "It's full of love and lahat po ng mga songs na in-incorporate po naman, themes ng pag-ibig. Ang concept po ng show is about stages of love. About being in love, being in a relationship, breakup stage, moving on. Everything is here sa show so I'm very happy and excited."