Showbiz News

Mel Tiangco, twenty-one years nang Kapuso

By Gia Allana Soriano

Going twenty-one years na ang 24 Oras anchor na si Mel Tiangco sa Kapuso network. Ngayong hapon, January 31 ay pumirma ng kontrata sa GMA si Mel Tiangco kasama sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., GMA EVP and CFO Felipe S. Yalong, at si GMA Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa Flores.


Sa isang interview with Aubrey Carampel, ikinuwento ni Mel Tiangco kung gaano siya kasaya na maging parte muli ng Kapuso network. Aniya, "Ano na ito, going on twenty-one years with GMA. At kung gaano ako kasaya noong ako'y unang pumasok sa premises ng GMA, ganun pa rin ang kaligayahan ko."

Dagdag pa niya, "Napakasarap ng buhay na nangyari sa akin dito sa GMA. Siyempre ang pasasalamat ay hindi lamang personal iyan."

Sinalaysay naman ng television newscaster and host kung sino-sino pa ang kanyang pinapasalamatan. Ika niya, "Sa ating mga televiewers, sa mga sumusubabay sa atin, sa mga nagtitiwala sa atin, sa mga nagmamahal sa atin, sa mga nanonood sa atin, maraming maraming salamat po."