Showbiz News

Lolit Solis nag-react nang magalit diumano si Robin Padilla sa isang writer na nagtanong tungkol kay Aljur Abrenica

By Aedrianne Acar

Maanghang at matapang ang naging pahayag ng StarTalk host na si Lolit Solis sa Instagram patungkol sa isang insidente sa pagitan ng action star na si Robin Padilla at isang entertainment writer.

MUST-READ: Lolit Solis claims Ellen Adarna is wearing an engagement ring

Sa isang mahabang pahayag kahapon, January 31, idinetalye ng veteran entertainment columnist ang diumano'y  matinding galit ni Robin sa isang showbiz writer na tinanong siya patungkol sa StarStruck graduate na si Aljur Abrenica.

Engaged si Aljur sa anak na babae ng aktor na si Kylie Padilla at may isa na silang anak na si Alas Joaquin.

Ayon kay Lolit, “Naku Salve tapusin ko na Robin Padilla saga ko noh, kasi para bang ok na, hintayin na lang ending. Natawa lang talaga ako kasi nga sa presscon ng Bravo bongga ang talak ni Robin, eh nandun pa ako sa loob nakikipag-usap kay Leah at Rose ng Bravo, akala ko sino inaaway ni Robin lalo na sabi niya babae, kaya talaga nagtanong ako kanino siya galit at bakit?

“Nang sabi niya babae daw kaya di niya nasapak, sabi ko sabihin niya, sabunutan ko, hah hah. Kaloka dahil halos wala na reporter nang maglitanya siya, sana ginawa niya iyon habang nandun pa lahat, para naging maliwanag di bah? Kung napikon siya sana nagpaliwanag iyon writer, hindi iyon wala na iyong tao saka siya nagsalita, unfair din sa writer na nagtanong.”

Nagbigay rin ng payo si Lolit kay Robin Padilla na sa susunod na may mga bagay siyang ayaw pag-usapan ay mas mainam na sabihin na niya agad bago magsimula ang isang panayam.  

“Kung ayaw pag usapan si Aljur di sa umpisa pa lang sinabi na sa mga writer na bawal, hay naku kaya nagkakarun ng problema hindi inaayos ng harapan, sa mga ganyan bagay dapat sabihin agad, puwede naman hinarap agad, hindi iyon wala na ang tao saka magsalita, unfair din naman sa nagtanong. Ayaw ko naman isipin na madali ng uminit ulo ni Robin, pero sana, konting bagay inaayos agad. Nasagot na tuloy iyon gusto itanong kung galit siya kay Aljur, dahil banggit lang ng pangalan nito, hayun nagwala na siya. Robin sayang mga ipinaglalaban mo kung matatabunan ng init ng ulo, relax, kailangan ka pa ng Marawi.”


Wala pang pahayag o kumpirmasyon sa kampo ni Robin Padilla patungkol sa naturang insidente na tinutukoy ni Lolit Solis.