Showbiz News

WATCH: Mark Anthony Fernandez, paano nilabanan ang pagkaburyong habang nasa kulungan?

By Marah Ruiz

Mahigit isang taon din namalagi ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa Pampanga Provincial Jail matapos mahulihan ng marijuana noong October 2016. 

Nitong nakaraang Disyembre, na-dismiss ang kaso ni Mark at nakalaya na. 

Aminado ang aktor na naging 'traumatic' para sa kanya ang karanasang ito.

"'Yung buong proseso po, medyo low time para sa akin. Medyo traumatic din po para sa akin 'yung buong lahat ng 'yun pero sa awa ng Diyos, nalagpasan ko siya," pahayag niya.

Gayunpaman, naging maayos naman daw ang pagtrato sa kanya ng mga kasamahan niya sa kulungan.

"Maayos naman po [ang trato sa akin]. Hindi naman po sila parang siga-siga o 'yung parang sa mga pelikula. Natutuwa din sila na nakilala nila ko in person. Pero 'yung sabihin mong parang binully ako, sinubukan ako dahil nakita nila ko sa isang action film, hindi. wala naman pong ganun," kuwento niya.

Paano nga ba nalabanan ni Mark ang pagkaburyong o boredom habang nakakulong?

"Noong una po, nakikinood po ako ng TV, chess. [Noong] first six months, naglalaro ako ng basketball. Sabi ko mag-chess na lang muna ako. Naging chess 'yung outlet ko doon, nood ng TV, bible study, prayers," aniya. 

Panoorin ang feature ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho kay Mark.