Showbiz News

'Fight For My Way' ipapalabas na sa GMA Heart of Asia

By Gia Allana Soriano

Magkakasama na ang tambalang Park Seo Joon (Anton from Pretty Woman) at Kim Ji Won (Moira from Descendants of the Sun) gabi-gabi sa GMA Heart of Asia.

Si Park Seo Joon ay si Johann, isang former taekwondo player na huminto dahil sa hindi magandang pangyayari sa kanyang nakaraan. Si Kim Ji Won naman ay si Ara, isang aspiring news reporter na ngayon ay nagtatrabaho sa information desk sa isang department store. Kasama ang kanilang childhood friends, sina Ahn Jae Hong as (Bobby) at Song Ha Yoon as (Liza), matutunan ng apat na 'wag sukuan ang kanilang mga pangarap kahit gaano pa ito kahirap.

 

Makakamit pa kaya ng apat na magkakaibigan ang mga gusto nilang marating sa buhay? Abangan ang premiere ng Fight For My Way sa GMA Heart of Asia this February, kapalit ng The Romantic Doctor.