Ngayong Biyernes, tunghayan sina Jackie Rice, Vince Gamad at Dominic Roco sa kanilang pagganap sa naging magulong pagsasama ng live-in partners dahil sa pakikipagrelasyon ng lalaki sa kaibigan niyang bakla.
Bibigyang-buhay nina Jackie Rice at Dominic Roco ang kuwento ng live-in partners na sina Ara Aquino at Jun-jun Solano, habang si Vince Gamad naman ang gaganap bilang ang baklang kaibigan na si Jimmel Guevarra.
Naging house husband si Jun-jun simula nang mawalan ito ng trabaho kaya’t si Ara ang kumakayod para tustusan ang kanilang pamilya.
Maingat ni dinerehe ang kontrobersyal na eksenang ito sa ‘Love Hotline.’
Lingid sa kaalaman ni Ara ay nakikipagrelasyon na pala si Jun-jun kay Jimmel, ang kaibigan nitong bakla.
Ngunit pag-uwi ni Ara mula trabaho ay nadatnan niyang magkasiping ito sa kanila mismong kama.
Lalapit si Ara sa ating love experts para humingi ng tulong patungkol sa relasyon nila ni Jun-jun.
Haharapin din ni Ara ang kanyang live-in partner na si Jun-jun at ang naging karelasyon nitong si Jimmel.
Ikukuwento ni Jimmel kung anong klaseng relasyon ang namagitan sa kanila ni Jun-jun.
Matatanggap pa kaya ni Ara si Jun-jun ngayong alam na niya ang lahat ng pang-aahas na ginawa sa kanya? Alamin ngayong Biyernes, July 24 sa ‘Love Hotline.’