Showbiz News

READ: Katrina Halili's emotional farewell to Direk Maryo J. Delos Reyes

Isa si Katrina Halili sa mga nadirihe at natulungan ni Direk Maryo J. Delos Reyes sa showbiz. Kaya naman isa ang aktres sa mga nagdalamhati ng lubos sa biglaang pagpanaw ng acclaimed director. 

"From 2008 to 2014, every year, magkasama kami sa limang soap, kaya naging close talaga ako kay Direk," ani ni Katrina. 

Kahapon (February 3) inihatid na sa kanyang huling hantungan si Direk Maryo. Isang madamdaming post naman ang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account upang magpaalam sa kanyang tatay-tatayan sa showbiz. 

"Nandyan ka during my lowest, isa ka sa dahilan kung bakit, nakabalik ako, at hanggang ngayon andito pa din. Habang buhay kong tatandaan lahat ng natutunan ko sayo. Salamat sa wagas mong tiwala, Paalam direk maryo! Salamat sa pagmamahal, at sa masayang samahan natin. Alam kong masaya ka na ngayon, mahal na mahal kita.. #ripdirekmaryojdelosreyes

 

Paalam, Direk Maryo.