Showbiz News

WATCH: Megan Young at Katrina Halili, kumasa sa 'Beauty Tapatan' ng 'Unang Hirit'

By Bea Rodriguez

Magtatapat na ang dalawang magagandang Kapuso stars na sina Megan Young at Katrina Halili bilang The Stepdaughters ngayong February 12 (Lunes) sa GMA Afternoon Prime.

Mapipilitan ang kanilang mga karakter na sina Mayumi dela Rosa at Isabelle Salvador na makihati sa kanilang pamilya, karera, kayamanan at buhay pag-ibig.

“It’s quite intense, actually, ‘yung story ng The Stepdaughters. I don’t think I’ve ever come across a script this brutal in terms of our characters, [and] in terms of the scenarios na mafe-face ng mga characters namin dito,” kuwento ni Miss World 2013.

Talagang pinaghandaan raw ng cast ang kanilang mga karakter, ayon kay Katrina.

“Physically ready kami kasi like ako, ‘yung mga damit ko dito [ay] kailangan sexy. Regarding my character naman, nag-workshop kami before [the] shoot.”

Magkaiba ang pananaw nina Mayumi at Isabelle tungkol sa kagandahan. Magkapareho kaya ang beauty hacks nina Megan at Katrina? Panoorin sa report ng Unang Hirit: