Showbiz News

Marian Rivera renews contract with GMA

By Bianca Geli

 

 

Photo from marianrivera IG stories

Tuloy-tuloy ang pagiging Kapuso ng Primetime Queen na si Marian Rivera matapos ang kanyang contract signing para sa GMA.

Aniya, “Malaki ang pasasalamat ko sa GMA kasi sobra sobra 'yung tiwala nila after all, nagpakasal, nagka-anak, then binibigyan pa rin ako ng magandang proyekto. Of course, looking forward ako sa mga gagawin pa namin this year.”

Wala raw balak si Marian na lumipat sa ibang network, “Ito ulit ako with GMA. Sabi ko nga kanina wala akong lubos maisip na lilipatan ko, kundi dito lang talaga sa GMA. Forever ‘to.”

Handa na rin si Marian na malaman ang mga susunod niyang proyekto sa Kapuso network. “After this contract signing for sure ilalatag na nila [management] kung ano ang mga gagawin ko this year.”

Nasabi rin ni Marian kung bakit mahal niya ang pagiging Kapuso. “Sa GMA kasi, sa tuwing may bibigay sila sa’king project, palagi nilang hinuhulma para sa akin. And, palagi silang nandyan, ‘O Marian gusto mo bang gawin ‘to? Ito ang gusto namin para sa’yo. Hindi sila nauubusan sa’kin ng ganun’ kaya sobrang pasasalamat ko talaga na ganyan nila ako mahalin.”

Balak din magbalik-pelikula ni Marian. “Well, ang plan ng Triple A family ko is gumawa ng mga movies.”

Ano namang genre kaya ang gagampanan niya? ‘Yun lang ang hindi ko pa alam. Syempre ang management ko sinasalang nila kung ano 'yung su-swak para sa akin.”

Dagdag niya, “Gusto ko maging out-of-the-box, hindi na ‘yung nakakulong ako. I want to try something new. Next month, bubuuin na namin ‘yan.”