Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid performs a song from 'The Greatest Showman'

By Maine Aquino

Ipinasilip ni Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang rehearsal para sa nalalapit niyang #PAMORE concert kasama sina Ogie Alcasid, Martin Nievera at Erik Santos.

Ang kanyang ni-rehearse ay isa sa iconic songs mula sa musical film na The Greatest Showman na pinagbibidahan ni Hugh Jackman. In the movie, ang kantang "Never Enough" ay ang kinanta ni Jenny Lind, ang karakter na ginagampanan ng Swedish actress na si Rebecca Ferguson.

Ang mga singing parts naman ni Jenny Lind, partikular ang song na "Never Enough" ay ginampanan ni Loren Allred na dating contestant ng singing contest na The Voice season 3.

Biro ni Regine sa kanyang teaser video sa kanyang account, "Wag masyadong taasan ang expectations para wag ma disappoint. #paMORE lapit na!!!!!" 

 

Mapapanood ang performance ni Regine sa #PAMORE concert ngayong darating na February 10 sa MOA Arena.