Showbiz News

LOOK: 'That's Entertainment' Friday group, nag-reunion

By Cherry Sun

Muling nagsama-sama ang Friday group ng That’s Entertainment.

Kabilang sa mga nagkita-kita noong nakaraang Biyernes, February 4 ay sina Donita Rose, Ara Mina, Sharmaine Arnaiz, Robert Ortega, Jaypee de Guzman, Marita de Guzman, Janet Arnaiz, at Kristine Zablan.

 

 

 

Ang kanilang reunion ay pinangunahan ni Ara Mina at ginanap sa pagmamay-ari nitong Hazel Berry Café.

Mapapansing napapadalas ang reunion ng stars ng dating youth-oriented variety show ng GMA Network. Sa katunayan, nitong January ay inanunsyo ng ilang miyembro nito na magkakaroon sila ng isang reunion project.