Showbiz News

MUST-READ: Mikael Daez at Megan Young, nag-secret wedding sa Africa?

By Bea Rodriguez

 

Secretly married ba ang real-to-reel couple na sina Mikael Daez at Megan Young?

“Maybe,” pabirong sinabi ng The Stepdaughters leading man sa panayam na nasagap ng GMANetwork.com sa media launch ng drama series.

Dagdag pa ng aktor, “Malay mo nangyari noong nag-Africa kami sa isang tribe doon. Nagpakasal kami doon sa tribe. Napag-isipan ko na gawin iyon.”

Ginawa ba niya? Matatandaang nag-Safari adventure ang magkasintahan sa South Africa noong 2016.

Hindi ito diretsang ikinumpirma ni Mikael ngunit ang kanyang naging sagot ay, “No rush kami kasi happy kami.”

Naniniwala ang binata na mauuwi sa kasalan ang seven-year-relationship niya sa kanyang leading lady sa totoong buhay.

“Excited kami na kung mangyari at naniniwala akong mangyayari na papakasalan ko si Megan. ‘Pag nangyari na, alam ko ‘yung mga kaibigan ko, ‘yung family ko, ‘yung family niya, kahit ‘yung mga viewers namin [at] fans namin, alam kong lahat [ay] magiging masaya,” paliwanag ng Kapuso star.

Naiisip na raw niya ang kanyang kinabukasan kasama ang aktres, “Sobrang happy lang, and talagang excited na kami na ma-savour ‘yung moment na lahat ng tao na mahal namin at nag-a-appreciate sa amin, magiging masaya. Sobrang excited ako sa moment na ‘yun, sa totoo lang.”

First time ng Kapuso stars na makakatrabaho ang isa’t isa sa upcoming GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters na mapapanood na natin ngayong February 12.