
Mas titindi pa ang mga mangyayari sa Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos ngayong papalapit na ang pagwawakas nito, ayon sa lead stars na sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion.
Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, pinaghahadaan daw ng husto nina Sunshine at Gabby ang kanilang mga eksena.
"We're gearing towards the end, so this is one of the big highlights of the story. It's very exciting, and medyo dangerous, kasi we'll be tackling with vehicles. Basta, malaking malaking eksena," kuwento ni Sunshine.
Dagdag pa ni Gabby, "Maraming takbuhan dito, medyo action dito ngayon ang mangyayari sa amin."
Bukod sa naturang teleserye, naging abala din ang dalawa sa kani-kanilang solo projects. Tampok si Sunshine sa Valentine's episode ng Wagas, habang viral naman ngayon ang commercial ni Gabby kasama ang ex-wife na si Sharon Cuneta ??????.
Narito ang buong report: