
Kasalukuyang gumaganap si Aicelle Santos bilang Elsa sa musical adaptation ng Himala: Isang Musikal na unang binigyang buhay ng batikang aktres na si Nora Aunor sa 1982 film.
LOOK: Aicelle Santos, kinilig at kinabahan sa press preview ng 'Himala: Isang Musikal'
Todo suporta naman ang mga colleagues ni Aicelle para sa kaniyang role gaya na lang ni Myke Salomon. Dating nagkatrabaho sina Aicelle at Myke sa all-original Pinoy musical na Rak of Aegis.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Myke, inamin niyang malaki ang paghanga niya para sa Kapuso diva.
Aniya, "She's one of the best and most in-demand lead theater actresses right now. Nung nanood siya nito (Himala: Isang Musikal) noon, sabi ko sa kaniya na bagay siya dito. So nagkatotoo nga."
Sa kasalukuyan, si Myke ang musical director para sa upcoming Resort's World Manila-produced play na Ang Huling El Bimbo.
Pakinggan ang maikling pa-teaser ni Myke sa Ang Huling El Bimbo below: