Showbiz News

Ano ang naging lucky charm ni Klea Pineda sa pagpasok niya sa showbiz?

By Gia Allana Soriano

Bago pumasok sa show business, may nagsilbing "lucky charm" ang Starstruck Season 6 Ultimate Female Survivor na bigay sa kanya ng kanyang tita.

 

Kuwento niya, "Red siya na rosary. 'Yung tita ko nakita raw niya 'yun sa CR niya. Eh, may mga visitors siya bago niya makita 'yun sa CR, 'yung rosary. Hindi niya alam kung kanino. Kasi wala naman siyang ganung gamit. Sabi niya: "Okay, lucky charm 'yung mga ganito, Klea, sayo na lang. Tutal mahilig ka sa auditions."

 

Dagdag pa niya, "[Kaya ito 'yung naging lucky charm ko] pagpasok sa show business. So, every audition ko, halimbawa sa pagpasok sa Starstruck, sa mga reality shows, dala-dala ko siya. Hanggang ngayon nasa wallet ko siya, kung saan ako pumupunta. Parang lucky charm ko siya."