Showbiz News

Aiai Delas Alas, nagpasalamat sa tagumpay ng kanyang Valentine concert

By Cherry Sun

Lubos-lubos ang pasasalamat ni Aiai Delas Alas dahil naging matagumpay ang kanyang Valentine concert na “Ai Heart U.”

Ipinaabot niya ang kanyang mensahe sa kanyang mga tagasuporta sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Aniya, “Maraming salamat po sa inyong oras kahapon upang makasama kami sa Araw ng mga Puso."

Naging special guests ni Aiai si Piolo Pascual at ang grupong Ex Battalion.

Mensahe niya para sa kanila,” To Papa P, maraming salamat din for guesting na-miss kita and nice working with you again. I love you. And sa Ex Battalion, Ex B! Happy Valentine’s Day, hehe. To God be the glory and God bless everyone.”