Showbiz News

LOOK: Pamilya nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagkasama-sama

By Cherry Sun

Abot langit ang saya nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica dahil sa unang pagkakataon ay napagsama nila ang kanilang pamilya sa isang espesyal na dinner.

Ibinahagi ng dalawang artista ang naging pagtatagpo ng kanilang pamilya. Present si Robin Padilla, ang maybahay nitong si Mariel Rodriguez, at ang kanyang inang si Eva Cariño-Padilla. Dumalo rin sa kanilang salo-salo ang pamilya ni Aljur, kabilang na ang kapatid nitong si Vin Abrenica.

“Wala nang mas mahalaga p asa pamilya at siempre sa ngiting ngayon ko palang nakita mula sa mahal ko… Salamat po sa mainit na pagtanggap,” sambit ng aktor.

 

Sinigurado rin ni Kylie na makasama sa isang litrato ang dalawa sa mga pinakamahalagang lalaki sa buhay niya.