Showbiz News

WATCH: Megan Young at Katrina Halili, minsan nang nagmakaawa para balikan ng kasintahan

By Marah Ruiz

Sa programang Tonight With Arnold Clavio, sumabak ang Kapuso beauties na sina Megan Young at Katrina Halili sa game na "Nasubukan Mo Na Ba?"

Dito, tinanong sila ng host na si Arnold Clavio tungkol sa mga bagay na ginawa nila para sa pag-ibig.

Instant ang naging reaksiyon ni Katrina nang tanuning sila kung nasubukan na nilang magmakaawa para balikan sila.

"Kadiri 'di ba? Ewan ko! Hindi ko alam. 'Di ko na po matandaan. Basta alam ko, oo. Yuck," ani Katrina. 

Aminado rin si Megan na minsan na niya itong ginawa. 

"'Pag nandoon ka kasi sa moment na 'yun, wala kang naiisip. Yuck talaga," pag-sangayon ni Megan. 

Wala naman daw kinahantungan ang pagmamakaawa nila. "Rejected," simpleng sambit ni Megan.

"Rejected! Ang kapal ng mukha!" biro naman ni Katrina. 

Alamin kung ano pa'ng ibang mga bagay na ginawa nila para sa pag-ibig sa game na ito ng Tonight With Arnold Clavio.