Showbiz News

PA ni Alden Richards na si Mama Ten, artista na!

By Bea Rodriguez

Certified artista na ang PA (personal assistant) ni Pambansang Bae Alden Richards na si Mama Ten!

 

Hindi lang pala pang-backstage ang galing ni Mama Ten, ipinamalas niya rin ang kanyang talento sa pag-perform onstage. Mula Eat Bulaga, nag-guest si Kendoll sa segment na pinangungunahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang “Brenda and the Budots Budots Gang” sa Sunday PinaSaya.

Mainit ang naging pagtanggap sa kanang kamay ni Boss Madam sa number one Sunday noontime habit. Sa katunayan ay nanguna pa sa trends ang #KendollOnSPS.

Malaki ang pasasalamat ni Mama Ten sa kanyang showbiz break at sa mga sumusuporta sa kanya, “Maraming-maraming salamat po.”

Hindi niyo ba napanood ang “budots dance” ni Kendoll? Heto ang video: