Showbiz News

WOW! Lovi Poe slays in this sexy backless gown

By Aedrianne Acar

Makalaglag-panga ang OOTD ng Kapuso primetime actress na si Lovi Poe sa ginanap na premiere night ng bago niyang pelikula kasama si Tom Rodriguez at Erich Gonzales na ‘The Significant Other.’ 

WATCH: Bianca Umali looks up to Rhian Ramos, Lovi Poe, and Solenn Heussaff as fitness goddesses

Idinaos ang naturang event kahapon, February 20, sa Cinema 2 ng Trinoma mall sa Quezon City. Dinirehe ang pelikula ng batikang direktor na si Joel Lamangan. 

Litaw ang ganda ng morena beauty na si Lovi Poe sa kaniyang sexy backless evening gown na dinesenyo ni Lian Martin. Maraming netizens din nagbigay ng papuri sa Kapuso star sa kanyang taste pagdating sa kaniyang mga kasuotan. 

 

 

https://www.instagram.com/p/BfbE75ThauN/?hl=en&taken-by=significant2018 

https://www.instagram.com/p/BfbFH_YBkvu/?hl=en&taken-by=significant2018 

Nagpaabot naman ng pagbati ang Sirkus actress na si Klea Pineda sa matagumpay na premiere night ng ‘The Significant Other.' Di rin niya maitago ang kanyang pagkabilib sa galing ni Lovi sa movie na ito.