Showbiz News

LOOK: Netizens, naaliw sa beer ad nina Vic Sotto at Jericho Rosales

By Jansen Ramos

Marami ang naaliw sa bagong beer ad ni Eat Bulaga Dabarkad Vic Sotto. Siyempre, lalo pa itong tinangkilik ng mga netizens dahil kasama niya rito ang original Mr. Pogi na si Jericho Rosales.

 

Pinamagatang "The Bonebreaker vs. The Bulk ang naturang ad kung saan tampok din ang basketball players na sina Mark Andaya at Junemar Fajardo.

Ayon sa ilang netizens, perfect ang tandem nina Bossing at Echo, at sana raw ay magkaroon silang muli ng pelikula. Taong 1997 pa noong nagkasama sila sa pelikulang 'Biyudo Si Daddy, Biyuda Si Mommy.'

 

Ang batikang showbiz writer naman na si Lolit Solis, hindi naiwasang magbigay komento rito. Maganda raw ang samahan nina Bossing at Echo kahit na magkaiba sila ng istasyon. Sana raw ay matigil na ang 'network war' dahil cute daw kasi tingnan kung pagtatambalin ang talents ng magkalabang networks sa iisang proyekto. 

 

Saad niya sa Instagram, "Cute naman ng San Miguel commercial, Salve . Type ko iyon pagsasama nila Bossing Vic Sotto at Jericho Rosales, parang ang saya nila habang nasa set ng commercial. Saka ang ganda tingnan , solid GMA si Bossing Vic , solid ABS si Jericho. Sana laging ganun puwede magsama mga talent ng magkabilang istasyon , maganda paghaluin rekado , maganda ang kumbinasyon, ganun sana palagi , ganun sana lagi nangyayari. Imagine mo , kung mapanood na magkasama sina Maine Mendoza at Liza Soberano , Alden Richards at Piolo Pascual , Dingdong Dantes at Daniel Padilla , Marian Rivera at Bea Alonzo , ‘ di ba cute ? Sana wala ng network war , sana sama sama na di bah ? #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore @jerichorosalesofficial @bossingvicsotto"

Narito ang video: