Showbiz News

WATCH: Mark Bautista, umaming natakot layuan ng kaibigang male celebrity

By Bianca Geli

 

Matapos ang paglabas ng kaniyang libro na Beyond the Mark, nagbigay ng tell-all interview si Mark Bautista sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan inilathala niya ang kanyang rason sa pagsulat ng autobiography.

#Controversial: Mark Bautista and the guys linked to him in the past

Aminado si Mark na natakot siyang layuan ng mga kaibigan dahil sa pag-amin niyang siya ay bisexual. Pero kampante siyang wala siyang imahe na dinungisan dahil sa kanyang mga pag-amin.

“First of all, wala akong dinetalye na sobra sa book and I have to tap on those experiences, my past experiences. Dahil those experiences made me who I am today,” saad niya.

Nabanggit din ni Mark na natakot siya na mahusgahan ng isa sa mga itinuturing niyang tunay na kaibigan sa showbiz na si Christian Bautista. “Si Christian, isa ‘yan sa mga maituturing kong totoo kong kaibigan. Nagtanong ‘yan si Ian sa ’kin for a time, ‘Oh, may ilalabas ka palang libro?’

“I don’t know, for some reasons, hindi ko masabing it’s a coming-out book. Kaya sabi ko, nagulat kaya sila or baka iwasan na nila ako or something. Pero isa siya (Christian), especially ‘yung girlfriend niya [sa mga nagpakita ng suporta]. Nag-text sila, nag-message sila sa akin nung first day nung na-release 'yung book,” bahagi niya.

“So napa-thank you [ako]. Sila ‘yung mga kaibigan na parang matatakot ka, na baka iwasan na ako nito. They remained as my true friends,” dagdag ni Mark.

Ibinahagi rin ni Mark ang mga natutunan niya ngayong mas kilala na niya ang kanyang sarili. “Enjoy every moment. Life is a continuous journey, and a continuous learning experience. Just enjoy every moment, and embrace every failure in life and trust your journey. Trust God’s process. Huwag masyado dibdibin ‘yung problema. Lahat ng ito lilipas din eh,” anang singer.

Panoorin ang kanyang interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho.