Showbiz News

Lotlot de Leon at Ramon Christopher, all-out ang suporta para kay Janine Gutierrez

By Maine Aquino

Proud parents sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher nang inilabas ang bagong cover ni Janine Gutierrez sa isang fashion magazine.

Read: Janine Gutierrez, kinilig sa kinalabasan ng kanyang cover sa fashion magazine

Nang ilabas ang second cover ni Janine para sa digital edition ng March 2018 issue ng Preview magazine, masayang masaya umano ang mga magulang ng Kapuso star.

Ani ni Janine ay nakakakilig na makita ang suporta ng kanyang ama kahit na nahiya umano siya dahil sexy ang photos. "'Yung dad ko sobrang kinilig ako kasi ni-repost niya sa Instagram niya. Eh medyo nahiya nga ako kasi nga medyo may pagka-daring kumbaga. Pero ni-repost ni Papa so super na-touch ako."

 

Si Lotlot naman ay nagandahan umano sa kinalabasan ng kanyang cover. Kuwento ni Janine, "'Yung mom ko naman sabi niya talagang happy siya kasi maganda daw 'yung cover."