Showbiz News

READ: Alfred Vargas, naloko ng travel agent; Lolit Solis, nangakong tutulong

By Jansen Ramos

Isang eye-opener para sa talent manager at batikang showbiz writer na si Lolit Solis ang panlolokong ginawa ng travel agent na si Imee Oro sa kanila. Muntik na kasing hindi matuloy ang kanyang dream Korean getaway kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Rose Garcia, Levinia Vivar Pabalan, at Salve Asis.

Una nang napabalita na nabiktima si Manay Lolit at mga kaibigan nito ng isang travel agent. Sa ngayon ay nakabalik na sila mula sa kanilang bakasyon pero hindi doon natatapos ang usapin laban sa travel agent.


Muling nag-post si Manay Lolit at nagbigay ng iba pang detalye kaugnay sa mga naganap. Nagkuwento ito na triple whammy daw ang nangyari sa aktor na si Alfred Vargas, ang kanilang sponsor sa nasabing trip.

Sulat niya: "Sabi ko kay Alfred, okay ba itong agent niya na para bang pinaka cheap na package ang kinuha dahil Air Asia ang plane at GV Residenses ang tirahan? Pero okay lang sa amin kahit cheap package, blow out lang naman. Pero out of his good heart, sinabi ni Alfred kung puwedeng baguhin ang hotel. Nagdagdag siya ng bayad, tapos no'ng nasa airport na kami at nalaman ni Alfred na hindi bayad ang ticket, nagbigay siya ulit ng pera kay Imee. Triple whammy talaga ang nangyari kay Alfred na ewan ko ba kung bakit napakabait at pinayagan ang kagagahan ni Imee."

Hindi naman nakalimutan magpasalamant ni Manay Lolit sa aktor dahil sa kabaitan nito. Isa rin daw itong leksyon para matuto ang lahat sa ganitong klaseng pangyayari. 

Ika niya, "For that, gusto kong bigyan ng medalya si Alfred sa kabaitan niya. Ito ang way ni God na bigyan ng leksyon ang lahat: for Alfred na maging mahigpit sa mga taong kausap, kay Imee na magbago na, at sa akin na imbestigahan mabuti at sabihin agad kay Alfred ang mga bagay na malalaman ko. Talagang God has his ways for us na makita mga mali sa paligid natin."

 

Samantala, bilang babala para sa iba na nagnanais kunin ang serbisyo ng nasabing travel agent, ibinahagi ni Manay Lolit ang larawan nito upang hindi na ito muli pang makapanloko.