Huwag palampasin ang natatanging pagganap nina Sid Lucero, Rochelle Pangilinan at Victor Basa sa 'Magpakailanman' ngayong Sabado, August 1.
Si Rochelle Pangilinan bilang si Anna
Si Sid Lucero bilang si Turbo
Magkakagusto si Turbo kay Anna.
Liligawan niya ang dalaga.
Sasagutin naman siya nito.
Mabubuntis agad si Anna, dahilan para pakasalan siya agad ni Turbo.
Kasama rin sa episode na ito si Susan Africa.
Si Victor Basa bilang si Jay
Makikilala ni Turbo si Jay na isang call center agent, bading pero lalaki kung magbihis.
Laging nakakasama at nahihingahan ng sama ng loob ni Turbo si Jay tungkol kay Anna.
Naging malapit ang loob nila sa isa't isa.
Kay Jay din nahanap ni Turbo ang pagmamahal at pag-aaruga na dapat ay si Anna ang nagbibigay.
Madalas namang mag-away sina Turbo at Anna.
Iiwan na ba ng kanyang mag-ina si Turbo?
Ano kaya ang mangyayari sa paghaharap nina Anna at Jay?
Matanggap kaya ni Anna ang katotohanan?
May surprise na inihanda si Turbo para kay Jay.
Maging madali kaya ang pagtanggap sa kanilang relasyon?
Magkakaroon kaya ng happy ending ang love story nina Turbo at Jay? Alamin ngayong Sabado (Aug. 1) sa 'Magpakailanman.'