Showbiz News

WATCH: Wil Dasovich, ipinakilala ni Alodia Gosiengfiao kina Chris Tiu, Moymoy at Roadfill

By Bea Rodriguez

First time raw magpakilala ng boyfriend ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang dating iBilib co-hosts na sina Chris Tiu, Moymoy Palaboy at Roadfill Sparks na itinuturing niyang mga kuya sa showbiz.

 

“[It’s my] first time to introduce my boyfriend to everyone,” saad ng proud girlfriend pagkatapos nilang mag-guest ni Wil sa Mars.

Unang beses ma-meet ni Wil si Chris samantalang nakasama na niya ang Moymoy Palaboy brothers sa isang episode ng Bubble Gang noon.

Samantala, ipinakita naman ng Wilodia ang kanilang sweetness sa behind-the-scenes ng Mars na mapapanood sa vlog entry ni Wil sa YouTube.